Things I Miss About Reinerr

It’s almost his birthday. And since I don’t think I could greet him personally on his special day, I decided to relive my most unforgettable memories with this one-heck-of-a-guy. Okay, let’s make this clear, this is not a tribute or anything. It’s just my way of remembering this amazing person and thanking him for being a blessing to his friends (ka-drama naman…ha ha). Isa siya sa mga tinuturing kong closest sa’kin nung high school…

 

So eto ang countdown ko ng mga bagay na unique lang kay Reinerr. No violent reactions please. (^^,)

 

(1)   PET NAMES. I find it funny every time he is called pet names: papa habs, rj sukord, among others. He gets somewhat irritated but still permits it anyway. He waves it off by saying, “anu ba?” or “he…shut up…” especially to Dale (sobrang kulit at hyper nitong batang ‘to…trip niyang ikanta ang mga bagay-bagay lalo na ang mga pet names nya sa mga classmates namin). Minsan, kapag nasa mood siya, gagantihan ka niya: either pang-asar din o sakit ng katawan (cariño brutal type to…peace Reinerr ^^,).

 

(2)   PANGA. Bukod sa sinasabi ng mga tao na mukhang Thailander si Reinerr, eto ang siyang-siya talaga at walang halong duda. Kung pisngi (cheek bones) ang trademark ko, kay Reinerr ay ang kanyang panga (jaw bones/line). Un lang…

 

(3)   SADAKO. I’m a fan of his great drawing skills. Pati ombudsman kinabog niya. Pero ang pinaka-di ko malilimutan ay ang ethereal drawings niya ni Sadako (“The Ring”, anyone?). Mas maganda siguro kung The Adventures of Sadako…kasi ginagawa niyang animated ung paglabas ni Sadako sa TV. Nagtatapos ang kahindik-hindik na drawing sa bangin, sa tuktok ng building…basta patay si Sadako. Na-trauma kasi ata siya dun kaya gumaganti gamit ang sarili nyang kakayahan.

 

(4)   FOOD TRIPS. Dito kami super magkasundo: sa pagkain. Kapag depressed kami o feel naming mag-celebrate, punta kami agad sa isang kainan. Maaraw man o mabagyo. Minsan sa fastfood (McDo kami madalas, may student meal pa kasi nun); kapag walang budget, street foods na lang (siomai at kwek kwek). Ka-buddy namin si Shane madalas dito, kasi sabay-sabay kami umuwi. Kahit nung reunion, nag-food trip pa din kami pagkatapos. Parte na ng buhay eh…hehe…

 

(5)   TEATRO. Production kami na-aasign palagi since first year. Naaalala ko, una kaming nagkasama sa set ng “Madilim sa Entreswelo” and the rest is history. Halos lahat ng Teatro experiences ko kasama siya. At dahil din sa Teatro kaya mas naging close kaming magkakaklase. Yung food trips madalas nangyayari pagkatapos ng rehearsals sa Teatro.

 

(6)   BRUTAL FRANKNESS. Alam mo na to, Reinerr. Kasama na dito ang lait factor ha…remember our teachers? Anyways, on the positive side, isa ito sa mga katangian niya na ipinagpapasalamat ko. Masakit man ang mga comments niya minsan, ganun talaga siya eh…(hindi joke lang~) totoo naman ung mga sinasabi niya. Di ka niya paplastikin lalo na kung para sayo naman ung mga sinasabi niya. Matigas lang talaga ulo ko kaya di ko pinapansin ung iba nyang payo…ha ha, peace uli Reinerr (^^,)

 

(7)   PIANO MUSIC. Fan kami pareho ng piano music. Adik din kami sa pag-kolekta nun ng piano pieces. Ang balita ko lately eh nag-music class ata siya sa UP at nagkaroon ng piano recital. Congrats. Alam ko pangarap niya pa rin magkaroon ng grand piano…at ma-meet sina Vanessa Williams, Alicia Keys at Vanessa Carlton…hehe…

 

(8)   MASTER CHEF. Alam ko matagal na nyang nilinaw na sa tito niya ung Master Chef…pero ewan ko ba. Sa tuwing nakikita ko ang Chinese restaurant na to, naaalala ko si Reinerr. Siguro pati ibang Kepler…di ba ?

(9)   BITCH FRIENDS. Eto ang samahan nila Regine, April, Frances, Shane, at Reinerrplus Robert. Thorn among the roses ang drama ni Reinerr. Uli, wala lang…parte na kasi si Reinerr ng barkadahang ito, at tuwing may mini-reunion ang clan ko, kadalasang kasama ang ilang members ng Bitch Friends…parang clan-extension…hehe…

 

(10) IMPERSONATIONS. Hindi lang alam ng nakararami, pero magaling mang-impersonate itong si Reinerr, lalo na kung medyo asar siya dun o kung mataas ang patingin niya sa taong yun. Naaalala nyo ba ung “Kwayeettt!!!” o di kaya ung “I’ll give you 4 pesos, go home and plant camote in your province…”. Halimbawa lang yun ng mga paborito niyang lines…kekekek…

 

Yan…

Reinerr John A. Nuestro, sana di ka magbago, at sana di ka nagalit…

Happy Birthday na lang uli…Godbless.

(^^,)

Advertisements

2 thoughts on “Things I Miss About Reinerr

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s