The Dinner, The Goto and The Sleep Over After

Just wanna share my thoughts on JPIA’s Testimonial Dinner last December 12, 2008 at Crown Royal Hotel, City of Balanga, Bataan. So, purely random thoughts…nothing else. Kapareho lang to nung descriptions ko sa pics. Napansin nyo? Tinatamad na kasi akong umisip ng iba eh. Hahah~

On the Testimonial Dinner:

My first time ever to attend JPIA’s Testimonial Dinner. I dont have plans on coming actually. Tinatamad kasi ako. Bonggang- bongga. Alam niyo naman…

May exam pa kasi sa Eco bago yun. Super long exam. Nakakapanlambot. Nakakainis. Sa sobrang haba, hindi ko nasagutan lahat. Sayang naman. Pero hindi ko na talaga kaya noh!?! 5 Chapters. All types. Almost 3.5 hours. Walang panama ang board exam. Sino ba namang hindi mamatay nun?

As usual, may benefits sa Advanced Accounting. Pati ung Eco humabol din. Buti na lang. May bonus. Kahit papano pampalubag-loob din yun. Haha.

Masaya. Naka-corporate attire kami lahat. Pictures to da max. May bago pa ba dun? Kasama ko mga kaibigan ko. Mga Ugays. Mga long-hairs. Lenie and friends. Kaya mas masaya.

Nakaka-inspire din. Tatlong CPAs ung nagbigay ng testimony. Pinaka-nagustuhan ko ung kay Mr. Ryan de Jesus. Well, di naman talaga ko masyado nakapakinig kasi ang layo ng table namin. Nasa dulo kasi eh. Back to the testimony, just shows na kahit di ka masyado brilliant sa Accounting,may pag-asa pa…Fighting~!!!

^^;

On the Goto Experience at Big Papa’s Place:

Ever felt like you don’t belong? Like everyone’s stares were fixed on you? You weren’t doing anything wrong. You’re just…different!?!

Ganito ung feeling. Ng naka-corporate attire habang namimili ng chinepen sa night market. Ng naka-corporate attire habang naggo-goto. Ng naka-corporate attire habang naglalakad sa tabing kalsada. Okay lang, madami naman kami. Mukha kaming…

Matakot ka. Subukan mo lang tumingin at tumawa~ Mamamasdan mo ang killer eyes ni Niña. Nagpapahiwatig na- Matunaw ka, tao sa mula! Ngayon ka lang ba nakakita ng ganito, ha!?! Di siya war freak. Defensive lang. Walang pakialamanan ng trip noh! Haha. XD

Basta masaya pa din. Minsan lang naman sa buong buhay mo tong ganitong pangyayari eh. Baka di na maulit… Wag naman sana. So pano, next year uli?

^^;

On the Sleep Over After at My Place:

Sleep overs are just so, so fun. Aren’t they? I wished this thing happened when I was in high school. Kaso hindi pwede dati eh. Strict si papa at si mama. *sigh*

Anyway, eto na nga yun eh. Ano pa ba ang gusto ko. After the long night, it’s now time to rest our heads on our pillows. Pero hindi un ung nangyari eh. Pwede ba namang tulog agad!?! Syempre kulitan muna… LOL XD

Iba-ibang pose. Basta dapat makulit. Walang pakialamanan. Basta nakakatawa lahat.

Favorite ko si Niña. Pinag-iisipan talaga bawat pose. Hindi pwede ang pwede na. Kailangan rock. Di ba, Niña gurl?

Halo-halong theme kada picture. May emo. May sexy. May pyramid. May dyesebel. May dalagang pilipina. May que horror. May pa-cute. O di ba, ang dami!?! 😛

Sa buong oras ng aming mini “photoshoot”, pigil ang tawanan. Tulog na kasi ang buong mundo noh! Kaya halos magka-kabag kakapigil ng tawa. XD

Mga 1PM na rin kami nakatulog. Well, parang ganun. Ung iba kasi namamahay. In case gusto nyong itanong, sa sala kami natulog lahat ng girls. Si Jael, solo-flight sa likod. Mumu…awooo… HAHA.

Hanggang dito na lang muna.

^^;

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s