Gee

Grabe~ Masaya ako ngayon. 🙂

Medyo okay kasi ang mga takbo ng pangyayari sa buhay ko kahapon saka ngayon. Sana laging ganun. Pwahahaha. Isa pa. Pwahahaha. Kulit!?! XD

Sobra talaga akong kinakabahan sa Law kahapon dahil sigurado na ako ung matatawag sa recitation. Bale sampu na lang kasi kami na hindi pa natatawag para sa Round 3? Tama ba un? Basta ganun. Kaya, sobra talagang kinakabog ako…kami pala. Tapos ayun na nga, ako ung panlimang natawag. Kahit medyo nanginginig ako (as in, promise~) at ung mga kamay ko eh super kung magpawis (gross, di ba?)…nakaraos naman nang matiwasay ang aking recitation. Buti na lang nasagot ko lahat ng tinanong ni Sir. Akala ko nga hindi na ko uupo eh. Feeling ko tatapusin na ni Sir lahat ng natitirang articles (63-73? di ko sure…) sa akin (kapal neh?!). Bakit ba, feeling ko lang naman. Assuming kasi ako masyado minsan. Pero un na nga, buti hindi naman. Siguro limang article lang ung natanong sakin…kadami talaga. Ayoko pa man din ng matagal nakatayo, noh. ;P

Maswerte na din ako kasi medyo madadali lang ung natanong sakin. Buti na lang talaga hindi ung “Voting Trust Agreements” ung natapat sakin. Kung itatanong nyo kung sino ang mapalad na nilalang na sumagot dun, si Master Ugay ata. Ang natapat sakin yung sa “Delinquent Shares”. Saved. XD

At ito na ang pinakahihintay ko. Halos isang buwan din yun ah. Dumating na siya~
GEE GEE GEE GEE BABY BABY BABY~ yeah 😛
Masaya talaga kasi matapos ang matagal na pag-aabang, andito na ang aking pinakabagong Kpop cd. Adik na talaga ako. Haay~ Dalawa na lang na official cd ng SNSD ang hindi ko nabibili. Ung cds ng DBSK, saka na lang ako bibili kapag may trabaho na ako dahil mamumulubi lang ako sa dami nila. Haha.


Okay about Gee, gusto kong mag-spazz. Ang ganda~ sulit~
Makakasali na ko sa “Get in Touch with SNSD Contest” ng SSF. Ipod-Touch din yun ah. XD

Well, kung fan ka ng SNSD sulit lang ung cd. Limang kanta lang kasi mini-album lang sya. May 40+ page photobook siya. In fairness, maganda ung mga pics. Kaso ang weird, kasi ung thanks to nila super ikli lang. Di kagaya nung 1st album. Masyadong panglahatan yung pasasalamat nila. Atleast, may SM Gajok at SOne (fanclub nila). Sana mag-release din sila ng 2nd Full Album this year, mga 2nd half of the year para may pera na ako uli. Haha. XD

Pero nangako na nga pala ako na magbabagong buhay na ako. Babawasan ko na ang kaadikan sa Kpop at internet. Nagdudusa na kasi ang grades ko sa Accounting eh. Salbahe ko. Basta, di na ko masyadong magko-concentrate sa Kpop at internet. Sana mangyari yon. Kaya ko to~ ^^;

P.S. (kahit di to sulat)
o ayan cy ah, tagalog na tagalog na ‘to. 🙂

Advertisements

6 thoughts on “Gee

  1. oo nga eh, in fairness. medyo sablay nga lang si sunny sa cover tapos si jessica dun sa last colored jeans group pic. pero bukod dun, ok na ok na lahat. 😉 narealize ko na parang triplets sina yoona, yuri, at seohyun. XD

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s