{UGAY} katapusa-N

[090202]

 

 

Ang tulang to ay inaalay sa mga bulaklak, mga halaman at mga puno. lalo na sa punong mangga na mas madalas maasim kaysa matamis ang bunga.

 

 

~Niña Marie Paway (may-akda)

 

 

 

katapusa-N

Noong una’y hindi ko mapagdesisiyunan

Kung ito’y matamis na kasinungalingan

O isang mapait na katotohanan

Pero sa huli’y aking napag-isipan

Itong pagpapasyang hwag ko sanang pagsisihan

Isang pag-ibig na gusto kong maranasan

Na tunay at wagas ang pagmamahalan

Iyong damdaming masarap sa pakiramdam

Para bang may mga paru-paro sa tyan

At anumang lubak ay kayang pagdaanan

Subalit ang aking pangarap may ibang nagugustuhan

Inialay ang sarili sa babaeng napupusuan

Aking pag-ibig di man lang pinakelaman

Ni hindi tinignan,

Hinayaan sa kawalan

Pero hangad ko ang iyong kasiyahan

Nawa’y tunay na kaligayaha’y iyong makamtan

Hindi mo man ako matandaan,

Ikaw nama’y hindi ko malilimutan

O siya, paalam na, matamis kong katotohanan.

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s