It’s Niña’s Beerday…

Well, not today!

Iisip pa ko ng “creative” na paraan. Just saving spaces, I guess.
Sorry. I’ll be back to edit this soon.
Until then. 🙂

***updated***

NIÑA MARIE D. PAWAY

N – Nineteen na si Niña at hindi pa rin siya isang ganap at tunay na dalaga ayon na rin sa pamantayan ni Sunako ng “YamaNade”. Hindi siya pala-suklay ng buhok, pala-makeup, at pala-suot ng high heels. Higit sa lahat, wiz papoots da gelai. At dahil na rin birds of the same feather are the same birds, magkakaibigan kami nila Jaharra. Ewan ko lang kung pasok pa rin si Tuck sa huling criteria na nabanggit. Peace. ^^

I – Isnabera daw siya. Kaya nga marami siyang nakakaaway na tao – titser, drayber, etc. – dahil na rin sa mga mata niya na tila daw papatay ng tao kapag makatingin. Teka, parang hindi na ata si Niña ang idine-describe ko ah??? Wala lang maisip eh. Haha. Haberday na lang…

N – Nosebleed. Wala akong maisip na pwede sa Ñ at dahil kung hindi mo rin naman alam ang shortcut na Alt+165 eh hindi mo rin naman maita-type ang capital Ñ sa computer. Well, mahilig magbasa si Niña. Ng kung anu-ano lang. Pero paborito niya talaga si Bob Ong saka si Jay Panti. May binabasa din siyang komiks eh, Kikomachine ata un, na marami na kaya di ko matandaan lahat. Basta iba-iba siya ng kulay ng cover. Sinuggest ko ung Pugad Baboy kaso sabi niya mamumulubi naman daw siya sa dami nun. Oo nga naman. Tapos sa magazine, asa ka pang Candy, Meg, o Seventeen yun noh! Nosebleed ung lagi niyang binibili sa Pandayan Bakeshop. Sa tingin ko, sila yung mga nagiging inspirasyon ni Niña sa mga kwento, blog, at tula niya. Feeling ko lang naman yon.

A – “Ang Pagiging Bakla ay…” Hindi ko na itutuloy dahil baka mainis siya at hindi na ako mapatawad pa. Masaklap kasi ang yugtong ito sa buhay niya. Parang pagkabayubay sa krus ng kalbaryo…oooppsss! Naiintindihan kita Niña kasi you know na. Haha. Kada sem na lang na may subject ako sa kanya, siguradong madadagdagan na naman ang mga most embarrassing-slash-unforgettable moments ko. Lupit noh!!! Anyway, sana naman wag nyo ko itakwil kapag nagsama-sama na tayong tatlo sa WorldLit. Wish ko lang naman…

M – Madyikero. Madalas dito si Niña nung “nomad” days nya. Bale bago pumasok ng school, dito muna sila nagre-report nila Naca. Alam nyo ba kung saan ‘to? Hindi ko sasabihin kasi alam mo na yun. Haha. Ibang M na nga lang. Manang? Hindi, dalagang Pilipina lang. Isang milagro kung makikita mo si Niña na naka-skirt. Never! Hindi lang talaga siya kikay eh, ganun talaga siya kaya wala tayong magagawa at wala na tayong pakialam.

A – Autistic? Hindi naman, may sariling mundo lang minsan. Ganun daw talaga kapag BSA ung course mo eh. Hehe. Pwedeng gamiting excuse ang obsession sa numbers at balance ng debit at credit para makaiwas sa social gatherings at kung anu-ano pa. Ang good news: walang kokontra. At kahit meron pa, wala pa rin naman silang magagawa. Ang autistic ay mananatiling autistic. Bow.

R – Rakista ang babaeng ito ‘teh! Well, sa pictures lang naman…di ko sure sa totoong buhay eh. Sabi nila, a picture is a thousand words…so, wala lang. May masabi lang. Pero kung naku-curious ka at gusto mong mapatunayan sa sarili mo na totoo ang sinasabi kong rakista si Niña at hindi ako umeechos lang, huminga ka nang malalim at mag-concentrate tapos i-click mo ang susunod na salita. Salita.

I – I??????? Paborito naming prof. Basta, the best ‘to!!!

E – Emo. Naniniwala ako na naniniwala siya na pinakamaganda sa pakiramdam ang umiyak sa ilalim ng malakas na buhos ng ulan nang sa gayon ay walang ibang makakakita ng iyong mga luha at walang ibang makakarinig ng iyong mga pagtangis. Oh, di ba??? Ako ba ang emo o siya? Siya. Eh ano ako? A***???

D – Dork! Isa siyang certified dork pero in a nice way ah. Wag kang papampam. Super kulit niya kasi…at ganun lang daw talaga siya. Siya ang agaw-atensyon sa mga pictures, di dahil sa sobrang pagpapakyut kundi dahil sa mga kuha niyang may “attitude”. Pwede na rin ang X-factor. *refer to R – rakista* Bukod pa dun, kakaiba rin at kahanga-hanga ang istilo niya sa pagsulat ng mga kwento at sanaysay kaya makikita mo talaga ang husay niya bilang isang papausbong na manunulat. Grabe, nakakatawa talaga sila at gustung-gusto ko ung mga simbolismo niya kasi kadalasan hindi ko sila nage-gets o nalilito lang talaga ako nang sobra.


P – Papa??? Well, wala pa nito si Niña. Pero wag kang mainip, ito ang priority project ng Wonderpets sa papasok na semester, pwede ring school year. Sabi kasi ni Mingming, napapanahon na daw ang ganitong hakbang. It’s complicated kaya hindi ko na ie-explain. Cha-cha ba ito, girl? Anyway, ayoko naman sa Cha-cha pero cute si Cha-cha (ung nasa “bulilit, bulilit, ang liit-liit…”). Haha. Kkot kkot nori nori…

A – Aling Dionisia. Kamukha ba niya si PacMom??? Hell, no! Malamang patayin niya ako sa pinakasadistang paraan kapag mabanggit ko man lang ni minsan na kamukha niya ang nanay ng pambansang kamao. So para saan si Aling Dionisia…dekorasyon? Hindi naman. Kasi ang tawag sa kanya ng ate ni Zeb ay boksingera daw siya. San daw ba ung boksing? Oh, di ba konek!?!

W – Wy~ pronounced as /wee/. Para ito sa celery na tanging pagkaing alam kainin ng paborito naming super heroes, este super pets na may alter ego na super hero: Ang Wonderpets! Wy yan kasi si Niña ay si Mingming at si Mingming ay hindi nakakabigkas ng tunog na /rrr/. Woot…(FYI) kung alam lang namin, ang pangarap talaga ng Wonderpets ay hindi ang maging tagapagligtas ng sangkahayupan kundi maging mga SINGERS! Mga mapagpanggap! Puahahaha. XP

A – Accountancy. Course namin nila Niña sa ginintuang unibersidad ng BPSU. Naging kaklase lang namin si Niña nung second sem ng 1st year dahil transferree lang siya (along with her friends…). Ang alam ko, galing siya sa Quezon…PCBA ata ung pangalan ng pinagmulan niyang school. Ewan ko kung paano kami naging close kasi naging masyadong mabilis ang takbo ng mga pangyayari. Basta, kita mo naman ngayon di ba, pinag-iisipan ko pa nang matindi kung paano siya babatiin ng habeerday para maramdaman niya kung gaano siya ka-espesyal. Parang ensaymada lang ah…Haha. Joke…fail.

Y – Yehey! Sa wakas, natapos ko na rin ang 48-years in the making na pagbati ko kay Niña (aka Niña-vhek, Mingming, ). Ewan ko na lang kung magkaka-interes pa siyang basahin ang pagbati ko na maituturing nang nasa archives. Hehe. Naniniwala pa rin naman akong it’s the thought that counts at habang wala pa rin kaming regalo sa kanya (anung petsa na!?!) hindi pa rin tapos ang month-long beerday celebration niya. Muli, happy birthday Niña!!!

Advertisements

15 thoughts on “It’s Niña’s Beerday…

  1. Salamast linie?lyni?liny? Di ko na maalala yung spelling, haha. Naiiyak talaga ko, kahit di mu man nakikita ngayon.haha. Kapag nagkita tayo, iiyak na lang uli ako sa harap mo. Di kasi ako yung boksingera e, baliktad, wala namang ate si zeb dito, ate ko yung nagsabing boksingera si zeb. Hahaha, joklang! Nakakatuwa naman na nabigyan mo ng kwento yung 14 letters ba?teka bibilangin ko ulit, tama! 14 nga. Bilang ganti sa yong kadakilaan bilang isang tunay na kaibigan, antayin mo yung bday espesyal mo. Hahahaha(tawa ni saragnayan yan). Muli, Maraming Salamat. Ang sakit ang tyan ko ngayon dahil C ako. Parang mamaya manganganak na ko sa pwet.wala lang share ko lang,hehe.
    P.S.
    Matanong ko lang. Nagtitinda na ba ng tinapay yung Pandayan?
    Makabili nga minsan…hmmmn

  2. Salamast linie?lyni?liny? Di ko na maalala yung spelling, haha. Naiiyak talaga ko, kahit di mu man nakikita ngayon.haha. Kapag nagkita tayo, iiyak na lang uli ako sa harap mo. Di kasi ako yung boksingera e, baliktad, wala namang ate si zeb dito, ate ko yung nagsabing boksingera si zeb. Hahaha, joklang! Nakakatuwa naman na nabigyan mo ng kwento yung 14 letters ba?teka bibilangin ko ulit, tama! 14 nga. Bilang ganti sa yong kadakilaan bilang isang tunay na kaibigan, antayin mo yung bday espesyal mo. Hahahaha(tawa ni saragnayan yan). Muli, Maraming Salamat. Ang sakit ang tyan ko ngayon dahil C ako. Parang mamaya manganganak na ko sa pwet.wala lang share ko lang,hehe.
    P.S.
    Matanong ko lang. Nagtitinda na ba ng tinapay yung Pandayan?
    Makabili nga minsan…hmmmn

  3. Liny. un ang alam ko eh. ayon na rin sa wiki. ^^

    nalito talaga ako sa boksingera part. haha. salamat sa corrections pero di ko na siguro babaguhin ung blog entry kasi…wala lang. thanks. 🙂

    ung sa pandayan, kasalanan ko talaga un. nung di pa kasi siya nagbubukas akala ko BAKESHOP ung BOOKSHOP. puahahaha. kaya ayun. XP

  4. @jahra
    Sabi ko kya “nila”. Counted ka na dun. Natanggap mo naman txt ko diba??? Sa monday na lang neh, ok lng ba?

    P.S.
    Ok lng ba ung pic? Nakuha ko lang yan sapublic photos ni nina sa FS eh. Tingin mo?

  5. @ugayworld
    Dahil malapit na pala ang bday ko (nararamdaman ko na kasi malakas na ang hangin at ulan- bagyo times na~), natakot naman ako. Anyways, remember to KEEP IT CLEAN. Puahahaha. XP

    Kahit anu pa yan, feeling ko naman keri ko yan. Haha. Eklats.

    Ayoko pang mag-monday~ dahil sa law…

  6. wala lang, ja- ha- rra—
    isipin mo na lang may haunting melody yan. haha.
    gusto ko na uli masabon sa worldlit. para kumpleto na uli ang sem ko.
    pero dahil friends tayo, sana kayo rin. joke…
    puahahaha. XP

  7. Natira na nga tayo kanina eh! san ka pa, first day ng klase naka 4 points na siya! at di lang yun bsta 4pts dahil mi kung ano ano pang nadadagdag haha.. Parang may mga subtopics pa kasi yung mga tira niya eh..

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s