145 Hours, 25 Minutes

Haay, ang bilis talaga ng panahon. Pasukan na naman. At para sa mga BSA (incoming 4th year), kompyutan na rin!!! Ng ano naman??? Ano pa ba, eh di kung ilang oras na ang naigugugol nila sa OJT. Well, para lang yun sa mga hindi pa rin tapos. At dun naman sa mga tapos na, para makasiguro na tapos na nga sila talaga.

Pagkatapos ng mahigit sa dalawang buwan kong pananatili sa PNB Balanga Branch, chineck ko ung time card ko (kasi pinilit nila ako…). Wala naman talaga akong planong tignan un kasi nga alam ko na matagal pa ako matatapos, kundi sa dulo ng June, baka sa July pa. Pero dahil na rin nag-compare-an sila (ung lima ko pang kasama) at nalaman nila na malapit na silang matapos, kailangan ko na rin i-check at bilangin kung ilang oras na ko. Mahirap na maiwan mag-isa noh~ haha. XP

At nakakagulat! Hindi ko akalain na nakaka- 145 hours at 25 minutes na pala ako. Ang saya. Akala ko kasi wala pa sa 120 hours ung OJT time ko, paano na lang kung ganun nga di ba? Pero hindi pala. Halleluiah!!! Matatapos na din pala ako! Hehe. 😛

Alam ko ilan na lang kami na hindi pa tapos sa OJT pero okay lang kasi hindi pala kami ang huling matatapos. Nagkaproblema kasi nang konti ung mga kaklase kong nag-OJT sa Land Bank eh.Akala ko pa man din ako na ang awardee ng “Longest OJT Award”…pwede rin “Best in OJT” (kung may ganun man, assuming lang ako. Puahahaha. ^^). Hindi naman ako disappointed. Wala lang.

Konti na lang…siguro sa last week ng June okay na kaming lahat sa PNB. Nakaka-miss din siguro kasi nakasanayan na namin ung pagpasok dun. Hehe. Bukod sa mababait sa aming mga trainees ung mga staff at empleyado dun sa bangko, nakaka-kwentuhan na rin namin sila. May pa-merienda pa (hoy, hindi kami PG ah. Nakakatuwa lang, bakit ba!?!)

50 more hours to go…

Advertisements

9 thoughts on “145 Hours, 25 Minutes

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s