Pasukan Blues


“Feels like insomnia…woo ooh ooh~”

Tunog yan ng alarm ng cellphone ko. Hudyat na naman ng isang panibagong araw. At malayung-malayo sa walang tulugang kinakanta ni Wheesung, kailangan ko na uling gumising dahil mahuhuli na naman ako tiyak kung hindi pa ako babangon sa loob ng limang minuto. May bago pa ba dun???

Well, ibang-iba ang pasukan ngayon para sa akin. Maraming dahilan na hindi naman ako sigurado kung yun nga ba talaga yon o bunga na naman ng malikot kong imahinasyon. Hehe. Pero anu’t ano pa man yan, isa lang ang sigurado ko. Excited pa rin ako as usual. Kahit na hindi ko man lang naramdaman na may bakasyon pala, in fairness.

Fourth year college na pala ako ngayon. Senior na ‘to pare. Hindi ko akalain na sa dinami-dami ng mga subject na kinatakutan ko dati, mga prof na lagi kong hinihiling na sana absent na lang o nag-out of town, at mga requirement na kinuwestiyon kung bakit ba kailangang may ganun pa…well, lumipas din sila lahat. Biruin mo yon???

Hanggang ngayon kasi, hindi pa rin ako 100% na kumbinsido na Accountancy nga talaga ang course para sa akin. Never ko naman kasi naging paboritong subject ang Math eh. At pinapasakit lang ng analysis ang utak ko. Anu pa kaya kapag joined forces na sila, di ba!?! Kaya kapag nade-depress ako, iniisip ko na lang na sayang din ung anim na semester at tatlong summer na iginugol ko sa BC kung magshi-shift pa ako. Idagdag mo na rin yung mga requirements namin na maaalala mo dahil sa mga luha ng kaligayahan, kalungkutan, stress, pagkayamot…at lahat-lahat na…

– Dokyu (Fil 1)
– Practice Set (Acctg 1)
– Marketing Plan + Defense (Mktg)
– Business letters (BusCorr)
– Talumpati/ Speech (2vers.= Fil2 & Eng3)
– Quizzes + Exam (Eco 1&2)
– Play (Phillit)
– Midterm + Finals (Law 1&2)
– Karaoke (Retorika)
– Quiz (Tax 1)
– Midterm requirement (Mgt 3)
– Tours!

Ayan. Siguro nga para talaga ako dito noh. Haayy…XP

At dahil magulo ang utak ko dahil first day, parang ayoko pang gumraduate pero ayoko ring mag-repeat. Wala lang. Nakakatakot kasing mag-board exam pagkatapos ng graduation eh. Saka hindi ko alam kung ano ang mangyayari kapag hindi na ako estudyante. Mag-aaral ba ako ulit o tatambay na lang sa bahay? Paano na ang baon ko? May trabaho kayang hindi kailangang 8:00AM ang pasok bukod sa call center? Ang tamad ko noh…

Ge, kita-kits na lang sa school. Pagbutihan nating lahat. Last year na natin ‘to…sana!!!
Godbless. Fighting~ (^o^)v

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s