When It Strikes…

Anakbayan, League of Filipino Students, and Student Christian Movement of the Philippines join PISTON in the nationwide transport strike calling for the junking of the Oil Deregulation Law and the ouster of Gloria Arroyo.



Puyat ako ngayon.

Kulang pa sa tulog.
Tuliro ang diwa.
Ang gulo naman.

Buong gabi kasi ako nag-review para sa exam namin sa Law3. Medyo mahaba-haba kasi ang coverage ng exam namin (excited kasi si Sir eh!). Sections 1-30 ng Law on Negotiable Instruments. Bale nasa 100+ pages un lahat-lahat. All in one night! Phew~

Bago ka pa man humanga sa kasipagan ko kuno, pinapauna ko na. Huwag mo akong tularan. Isa akong tamad na nilalang na umaasa lamang sa biglaang suspension ng klase dahil sa nabalitang strike ng mga jeeps at buses bunga ng ilang di pagkakaunawaan o gusot sa pagitan ng kanilang mga asosasyon at ng Land Transportation Office (LTO). Muli, di magandang halimbawa. Humanap na lamang ng ibang tutularan. Hehe. XP

Bakit nga bang marami ang tulad ko??? Ano nga ba ang meron sa cramming at maraming estudyante ang mas pinipili ito kaysa simulan na agad ang isang daang pahina na kailangang basahin???

Cramming is a transitive verb which means to prepare hastily for an examination. Kapag kasi nagka-cram ka, nati-trigger yung utak mo na mag-function nang mas mabilis kumpara sa dati dahil sa nararamdaman mong positive stress. Dahil dun, nagre-release yung katawan mo ng adrenalin, isang hormone na nagpapabilis ng tibok ng puso mo at nagpapa-alerto sa mga impulses mo kaya mas nakakapag-perform ka nang mas maganda, mas mainam, at mas epektibo. Yung mga dating hindi nagagawa ng katawan mo sa mga normal na sitwasyon, kaya mo ng gawin ngayon. Astig.

Eh di mag-cram na lang pala tayo palagi!?! Hindi. Hindi ka naman nasusunugan kapag nag-aaral ka, di ba? Tinamad ka lang gawin yon nang mas maaga. Kaya eto, namamatay ka tuloy ngayon sa pressure. Bukod pa dun, isa yang masamang manipestasyon ng tinatawag nating mga Pilipino na “mañana habit”. Yung palaging mamaya na lang, gagawin ko din yan, bukas na lang. Kapag nakagawian na natin ang “mañana habit”, wala ng kinabukasan ang ating bayan…

Sapul ako dun. Puahahaha. XP

Laking pasalamat ko na lang dahil natuloy ang strike at isinuspinde ni Mayor Joet ang klase sa lahat ng antas sa Balanga: elementary, high school, at COLLEGE!!! Woo hoo~ buti na lang. Kung natuloy ang exam kaninang umaga, malamang kamote ang makukuha ko. Pero dahil walang pasok, eto ako sa bahay. Kumakain ng pinya at pagkatapos ay magbabawi na lang ng tulog. Ang sarap ng buhay~ ^o^

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s