The Portrait


Ang picture. Bow.

Paano ko kaya mapagmumukhang kagalang-galang at makabuluhan (in English, intellectual??? ang layo ata…) ang blog na ito? Hhhmmm, in the first place, hindi naman talaga ganoong kahalaga ang ikukwento kong ito tungkol sa picture. Pero dahil mukhang ito ang pinaka-highlight ng araw ko ngayon, bakit ba naman hindi? Hehe. XP

Gaya ng alam ng buong Pilipinas, unang araw ngayon ng opisyal na pagtapak ni bagyong Feria sa ating arkipelago. Sinuspinde na kaagad ang klase mula pre-school hanggang high school noong gabi pa lang dahil inaasahan na ang pagbugso ng ulan kinabukasan. Para nga naman hindi na maipit pa ang mga bata sa gitna ng masamang panahon. Buti pa sila. Dahil kasi signal no. 2 lang ang Bataan, hindi pa kasama sa suspensiyon ng klase tayong mga nasa college. Haay,ansarap sana matulog kapag malamig ang panahon tapos puyat ka pa sa kagagawa ng assignment sa Advanced Accounting…

Kaya ayun, kahit inaakit pa ako ng banig na huwag muna bumangon, wala akong magagawa. Wala kaming World Lit nun kaya masaya, wala akong pasok ng 9AM. Yes! Pero ulit…dahil officer pala ako ng JPIA (PRO – 4th Year yata ako…imagine~), kailangan nasa school na ako ng 12NOON. Fine~

Masama yata kapag early bird ako. Kasi pagdating ko, wala pa ang majority ng officers. On time ako nun, kaya dapat niyo akong palakpakan. Haha. Akala ko pa naman kung ano ang pag-uusapan namin…magpapa-picture lang pala kami! Kamusta naman yon, di ba? Okay lang, bukod sa di ako mahilig magpa-picture kasi mukha akong shonga kadalasan (ayan, alam niyo na ang isa kong lihim~ XP) wala namang ibang naging aberya.

Bakit nga ba ang hilig nating mga Pinoy sa picture? Dahil ba sentimental tayo kaya mahilig tayo mag-treasure ng memories? Dahil ba vain tayo sa mga sarili natin kaya lagi nating gusto makita ang mga mukha natin…na dapat nakahilig sa best angle natin? Dahil ba labis tayong naaaliw sa pag-post ng mga snapshots sa friendster, multiply o facebook? O dahil ba wala lang tayo magawa…you know, being idle and tinkering? Ano ba talaga? Kayo na ang makakasagot niya. Kasi…the answer is relative. Naks!

Balik sa amin, nakapagpa-picture kami ng 2PM. Sabi ko sa inyo ang aga ko eh! Palakpakan ulit. Puahahaha. Ang tagal…grabe. Kaya ayun, hulas na ako at inip pa. At ano pa ba ang maaasahan mo sa kinalabasan? Hindi ko na tinignan ung picture kasi excited na ko makipag-chikahan at balitaan sa aking mga kaklase na nakita kong isa-isa nang dumarating kasi hindi ata nila alam na walang klase dahil busy ang mga prof namin para sa Accreditation bukas. Hehe. Saka excited na ako mag-internet as usual. Eto lang kasi ang social life ko eh. Pagbigyan niyo na…

Kaya next time, kapag may kodakan…paghandaan mabuti, oki???
Say cheese~ ^o^

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s