All By Myself


…and it’s so sad. 😥

No man is an island. Man is a social animal. Relating and socializing with others of his kind and with his environment is essential to his existence. And what happens if he is left in solitude? All by himself with no one to communicate with, share his emotions with, and make him feel loved and cared for???

Research for answers. Hehe. Peace. 🙂

Sabihin na nating kinarir ko na naman ang OJT. Matatapos ko na ang 200 hours requirement ko kaya wala naman sigurong masama kung magpapa-impress ako sa mga huling araw, di ba? Para naman makabawi ako sa palpak kong plano noong nakaraan. Hehe. XP

Hindi naging madali ang desisyon ko na pumasok ngayong araw. Dahil sa sandamakmak na pros at cons na pilit nagbabalance sa utak ko kagabi, hindi tuloy ako nakapag-concentrate sa paggawa ng assignment ko sa Advanced Accounting…na isinasabay ko sa pagte-text kay Maylet, pag-aayos ng order na akomismo dogtags naming mga ugay, pagko-compute kung may extra ba akong pera pampaluwal sa order, pag-scan ng mini-korean book na nahiram ko sa BPSU library, at panunuod ng “Cruel Love” (grabe~ nakakaawa ung babae, andaming nawala sa kanya…kay lupit ng buhay~). Kailangan maging positive, at bunga ng mga pros na ito…nagpasya akong pumasok! Hallelujiah~!!!

(1) Wala pa akong columnar kaya kailangan kong pumunta sa bayan para mamili kundi lagot ako kay Sozzy. Peace.
(2) Kailangan ko na bayaran ung akomismo dogtag na inorder namin para makasama kami sa 2nd batch na sa friday na ishi-ship kundi baka sa 3rd batch na kami pumasok at mai-ship sa tuesday ang orders namin. Lagot ako kay Mama kapag nalaman niya na ang ipinangpaluwal ko ay ang pambayad ko sa libro ko sa Auditing at Law3. Ssshhh~
(3) Kailangan kong isoli ang librong hiniram ko sa library kasi sayang din ung Php 8.00 noh.
(4) Kailangan kong ipagpamisa si Tita Noema…
(5) Last 10 hours ko na sa OJT! Nagulat kayo noh??? Compute ko nga ulit…


Masaya sa OJT kanina. Malamig kasi kaya hindi isang “burning experience” ang pagsasalansan ng DAF at signature cards sa vault, aka “sauna”. Ganun pa din ung ginawa ko, karamihan ung traditional. Pero feeling ko well-rounded ang performance ko kanina. Wala lang, nagmamaganda lang. Puahahaha. XP

Nakapag-file ako, nakapag-sort ng mutilated na Quezon, nakapagpa-approve ng checks at deposit/withdrawal slips, nakapag-type, nakapag-record ng depreciation ng fixed assets, nakasagot ng telepono…name it, done it!!! At ayokong ipagyabang yon~

Pero gaya nga ng intro ko, malungkot pala kapag wala kang kasama mag-lunch. Wish mo sana di ka na lang magutom kasi hindi mo alam kung saan ka kakain ng pananghalian. Sa pag-asang may mahahatak ako na kasabay, nag-text brigade ako. At dahil sa sinuswerte ako nung araw na yun, sa lahat ng nai-text ko, walang available. Anak ng pating…mamatay ka sa gutom~!!!

1PM na ko nag-lunch. Pero bago yun, nagpaload muna ako (I want reimbursement mula sa mga ugay kasi kinain lang ng ringtone ung natira kaya di ko rin nagamit…) at nagparegister sa GCash service ng Globe (ung remittance…) para makapagbayad nga dun sa dogtag. Sandali lang naman ang nagugol kong panahon dun. Okay lang. Eto na…kailangan ko na kumain!!!

Dahil malapit sa PNB ung Recar, dun ako kumain. Na dapat pala hindi ko ginawa! Una kong inorder ang spaghetti meal nila, worth Php 63.00. Ang weird ng lasa ng spaghetti, basta di ko ma-explain tapos ung kasamang toasted bread naparami ata ng margarine kaya tumulo siya at napatakan pa ako sa pants. Di malamig ang pepsi kahit my yelo kasi ung upper part lang ung nakakasagap ng presensya ng lamig. At dahil feeling ko gutom pa rin ang malaking dinosaur sa tiyan ko, umorder ako ng fries worth Php 30.00. Anak ng mas malaking pating…ang konti-konti~ trenta pesos na ba ‘to???

Total food expense: Php 93.00. At gusto kong dagdagan ang gastos ko ng Php 7.00 dahil sa mga pesteng langaw na padapo-dapo at palipad-lipad sa table ko. Ayan, Php 100.00 flat! Sana talaga nag-fast food na lang ako. Di bale nagmukhang shonga, sulit naman ung kinain mo. Badtrip talaga. Nabuhayan lang ako ng loob kasi nakita kong may shawarma stand na pala dun sa mini food court ng Recar…

O di ba??? Ang hirap kapag mag-isa. Nakakainis kumain~ (@_@)

Advertisements

9 thoughts on “All By Myself

  1. Sori naman… Hehe kasama yan sa buhay.. Naexperienced ko na din kaya yun, mukha akong kawawa dahil sa mcdo ako kumain nun at lahat ng kumakain nun grupo o kaya naman basta may kasama sila.. Hehe wala lang gusto ko lang magkwento

  2. Ahmm…lasang parang na-stock ung meat ng spaghetti? Ung parang luma? Tpos ung sauce…medyo matabang? Di ko na masyado sure kc matagal na un. Tapos kapag naiisip ko ang spaghetti, naaalala ko lang ung sa jollibee~ kekekek. XP

    Ung fries parang dinaanan lang ng asin. Ung ibang part, walang lasa. Ung iba sakto lang. Tapos ung 'mayo-ketchup dip' maputla. Parang anemic. Very appetizing~

  3. Kapag fries oo. Gusto ko sa fries ng mcdo hindi sila natatakot maubusan ng supply ng asin. Para bang may factory sila ng asin at patatagan na lang sila ng bato ng mga mahilig sa fries nila. Parang ganun kaya fave ko ung fries ng mcdo. Ok dn ung sa jollibee ah…crispy fries~

    basta di na sana maulit ung lunch na ganun. Para kcng di ka rin narecharge eh. Hehe. XP

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s