Love Me, Hate Me!


Akala mo kung sino.

Kung naniniwala ka na ang pagbabago ay isang proseso na kung saan kailangan ng effort ng dalawang partido, wala siyang pakialam dun. Lagi namang ganun eh. Laging kami ung may kasalanan sa mga mata niya. Aminado naman kami sa mga pagkakamali namin, pero sana marealize niya rin na umaasa din kami sa kanya bilang mga nasa ilalim niya. Ang lupit niya…

Wala namang masama sa pagbibigay ng maraming gagawin kasi para rin yon sa ikahahasa ng mga abilidad at talino namin. Pero sana lang naman, sa susunod eh makatwiran ung mga gawain na ibinibigay niya considering the fact na hindi lang siya ang subject namin…

May problema? Oo. At hindi isang seminar sa ethics ang solusyon para dito sa tingin ko. Dahil may hinaing ang bawat isa, bakit kaya hindi idaan sa masinsinan at matinong usapan ang lahat? Imposible.

Sinabi ko pa man din sa sarili ko na magpapakatino na ako sa subject niya. Pero dahil ni katiting eh wala siyang tiwala sa’min, nakakalungkot yun. Sana naisip naman niya na pwede rin kami magbago. Pati siya, pwede rin magbago. Para happy lahat, di ba? Mahirap pa kasi sa tuwing pipilitin naming magpakatino at magpakatapat ay lagi siyang sumisingit na “kopya na naman~”. Asar…

Tama na. Baka “masunog na nang lubusan ang kaluluwa” ko. Papatunayan ko sa kanya na kaya kong ipasa ang subject niya bunga na rin ng pag-aaral ko. Sa sarili kong paraan. Ako mismo. Naks!

Advertisements

17 thoughts on “Love Me, Hate Me!

  1. Naks! Mukhang galing sa kaibuturan ng puso mo ang hinanakit mo…hehe pero tama nga naman… di naman xa ganung halata.. wala din namang multiply ang tatlong witness.. Ayan ah,mejo safe na yan.. Wala din akong nabanggit na ibang hayop na kailangan iligtas ng wonderpests! [anu daw???]

  2. Ok yan, atty. Abuzman! Me 10 pts. ka! Feeling nya talaga e kainaman sya! Mcdo sya! Mcdo! Di ko na maantay ang evaluation sa mga dyos na mapanghusga…wahahaha

  3. Ok yan, atty. Abuzman! Me 10 pts. ka! Feeling nya talaga e kainaman sya! Mcdo sya! Mcdo! Di ko na maantay ang evaluation sa mga dyos na mapanghusga…wahahaha

  4. ok lang yan. oo galing talaga sa kailalim-ilaliman yang mga yan…salamat naman at hindi ganoong kahalata. pero may bearing pa ba yun? blog ko kaya to. puahahaha. walang pasaway~

    tatlong witness??? ah…hayaan mo sila~

    kaya bang iligtas ng Wonderpets ang mga kaluluwa natin??? XP

  5. korek ka diyan niña gurl~ dahil diyan, gagawaran kita ng 10 pts din para bongga! ako din, excited na ko para sa evaluation. ewan ko ba…parang ngayon lang ako naging ganito ka-excited para dun sa tinagal-tagal ko dito sa skul. iba siya talaga~ kinabog niya pa ang mga extremes…

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s