Bite Into the Bright Side


…with Cloud9? Not exactly. Wala lang. Nakakatanggal pala ng isang buong araw na stress ang isang bar ng tsokolate. Malamang sabihin nyo na obvious na un at matagal nyo ng alam…pero iba pala talaga sya sa totoong buhay. Hehe. Kaya para sa mga napapaligaya ng isang parihabang matamis na kulay tsokolate (duh!)…cheers sa’tin~ XP

May matinding rason naman ang pagse-celebrate ko ngayon. Sa araw lang naman kasing ito opisyal na natapos ang 200 hours OJT requirement namin ng mga kasamahan ko sa PNB-Balanga Branch. Oh di ba, masaya?!! At nararamdaman ko din na masaya ka para sa amin. Salamat. Ü

Kaya nga’t heto, ikukwento ko uli kung paano naganap ang ‘milestone’ na ito sa aming (pwede ring aking…) accountancy life. Bale sinubukan kong pumasok uli nang maaga. 6am ako nag-alarm at matagumpay na nagising at bumangon sa loob ng 15 minuto. At dahil excited ako para sa last day (parang nung first day lang, ganitong-ganito din ako…) nakaligo ako kaagad at nakakain. Tutal last day naman, naisipan kong mag-SKIRT!!!

Bukod sa hindi ako sanay kung paano ang tamang pagsakay at pag-upo sa tricycle kapag nakapang-girly outfit, wala namang naging major hassle (…nakalimutan ko pala ang magic sandals ko, ung namisplace dati? Remember?!! Gaya ng dati, masakit sya sa paa sa katagalan…). At for the record, ako ang nauna sa mga trainees. Alam ko never in your wildest dreams na maaasahan mo na ako ang mauuna sa pagpasok. Ganyan ako ka-excited. Haha. ;P

Masaya overall ang naging araw namin. Lahat ok, pati ung mga ipinagawa sa’min. Bale ayon sa pagkakaalam ko, 40 bundles na Manuel Quezon ata ang binuno nila Jheana, Des, at Nestor (batch1) at Jheana uli, Lenie, at Cheska (batch2) nung araw na un. Alam mo na, padespedida ni Mam Belen. Hehe. Eh asan ako??? Gumawa uli ako ng call report forms kaya ibig sabihin nun nagpull out uli ako ng DAF (sa tulong na rin nila Nestor at Jheana ngayon…thanks. Ü). Ok naman kasi natapos naman ang mga forms by lunch. Tapos nung hapon nag-type lang uli ako ng medyo madaming miscellaneous transactions slip. Yun lang. At least nasulit ang “last day” namin. Hehe. XP

Pero higit sa kahit anu pa man…lubos akong nagpapasalamat sa buong PNB – Balanga Branch family para sa mga karanasan at kaalaman na ibinahagi nila sa amin sa sandaling pananatili namin sa ilalim nila bilang mga trainees. Thank you po~ (^o^)v

Advertisements

2 thoughts on “Bite Into the Bright Side

  1. medyo. alam mo naman, may nakuha akong bagong link sa smart.hehe. free internet sa mga pinakakilalang sites! wow di ba? kaya nga lang, para akong may katext…na super haba ang kwentuhan namin. haha. XP

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s