Soju Kayo Dyan!


Ang hirap talaga kapag may sakit ka. Andaming di magawa. T___T

Maagang natapos ang Auditing class noong Sabado kasi may sakit si Sir Cosme. Uso kasi ang sakit ngayon eh, paiba-iba kasi ang lagay ng panahon- ulan minsan, araw minsan. Haay~ Pati nga ako at ang solid BFF ko na si Jaharra (awoo~ chumochorva lang…) ay tinamaan na rin ng virus ng ubo at sipon. Worse, pati lagnat tumama sa akin. Ang saklap.

Kaya ayun. Dahil maaga ngang natapos ang klase at last day na 50+ kami sa klase ng Auditing kasi ayaw ni Sir Cosme ng sobrang dami, nag-celebrate ang mga party-lover kong kaklase. Kina Kuya Marlon ang official tomaan. At dahil may sakit nga ako, na papunta pa lang sa climax noong hapong yon, di na ako nakasama. Na-miss ko ang isa na namang bonding session, inuman nga lang…

Pero ok lang. Dahil naiwan ang bote ng SOJU (korean liquor made of sweet potato with 20% alcohol content) na binili ko sa Vercon’s nung birthday ko, ano pa ba ang gagawin dun?!! Eh di i-try~ puahahaha. XP Sa lahat ng naiwan sa room, walang nakaligtas! Parang nabuhay ata ang dugo ko ah, parang walang lagnat. Haha. Tig-iisang shot kami ng soju. Bad influence. Wag tularan. ^^

Grabe! Wala siyang lasa nung una. Parang tubig lang. Kaso kapag nasa lalamunan mo na siya, gumuguhit siya. As in! Nawala nga ung mga sabit-sabit ng ubo sa lalamunan ko eh. Salamat sa soju. *evil eyes* Puahahaha. XP

Bumalik sila Jheana, Cheska, at Lenie kaya ibinigay ko na sa kanila ung soju. Keri na nila yun. Nag-internet na lang kami ni Jaharra sa Delsy’s/Denbell’s at pagkatapos nun ay nagpunta kami ng Pandayan Bookshop/Bakeshop at namili ng school supplies. Syempre, namili din ako ng gamot para di mauwi sa trangkaso ang aking ubo, sipon, at lagnat. Tapos umuwi na kami. End of story.

P.S.
Balita ko 8PM na daw nayari ang party?!! Ang tatag niyo guys. Panalo. XP

Advertisements

4 thoughts on “Soju Kayo Dyan!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s